Nagdaos ng palatuntunan ang MDC bilang selebrasyon sa pagtatapos nga buwan ng wika ngayong taon. Ginanap ang programa noong Agosto 30 sa ganap na alas tres ng hapon. Sinumulan ang programa sa isang panalangin at pag-awit nga Lupang Hinirang. Si April Mae Enad, pinuno ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) ay siyang nagbigay nga pambungad na mensahe. Isang guro nga asignaturang Filipino, si Gng. Elvira Regidor, ang panauhing pandangal.

Nagkaroon ng sumot saring mga paligsahan upang maikita ang talento ng mga estudyante.  Ilan sa mga paligsahan na sinalihan ng mga mag-aaral sa Filipino ay ang vocal duet, balagtasan, at katutubong sayaw. Sinaksihan din nga iba pang mga guro ng Filipino na sina Dr. Regina Cabarrubias, BB. Ana Reserva, at Gng. Patricia Mira.

Ang mga guro ng palatuntunan ay sina Kirstie Miral at Ramonchito Ragas, kapwa kumukuha ng kursong BSED major in Filipino. Ang pangwakas na mensahe na naglalayong pagtibayin at palaganapin ang wikang pambansa ay ibinigay ni Bb. Ma. Ana Reserva, na siyang tagapayo ng SAMAFIL.