Ika-29 ng Agosto, ginanap ang taunang selebrasyon sa pagtatapos ng Buwan ng Wika sa pribadong paaralan ng Mater Dei College. Ang nasabing kulminasyun ay may temang “Wika ng Pagkakaisa”. Sa temang ito, nasusukat ang kahalagahan ng ating wikang pambansa. Sa higit isang daang dayalekto mayroon tayo sa Pilipinas, hindi ito ang naging hadlang upang tayo ay magkaisa dahil sa ating natatanging wika, ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ang siyang nagbubklod at nauugnay sa ating lahat upang tayo ay magkaroon ng kapayapaan at pagkakaunawaan sa isa’t-isa.
Ang pagdiriwang ay sinimulan ng panalangin at pagkanta ng Pambansang Awit at Awit sa Bohol. Sinundan naman ito ng malabagyong pagbati mula sa mga punong-abala na sina Bb. Ma. Junna Ortiz at G. John Kenneth Refulle. Naging pormal ang pagdiriwang ng kulminasyon sa buwan ng wika nang ideklara ni Dr. Regina Cabrrubias ang kanyang pambungad salita.

The Filipino students dancing the maglalatik folk dance.

The Filipino students dancing the maglalatik folk dance.

Sumunod agad ang pagrampa ng anim na pares ng mga nag kikisigang mga binata at nagagandahang mga dilag para sa patimpalak na Lakambini ant Lakandula 2014. Ang mga hurado sa nasabing patimpalak ay sina Bb. Ma. Antonetter Libante, G. Benjie Lenteria at Gng. Nila Itac. Sa simula pa lang ng kompetisyon ay naghiyawan na kaagad ang mga manonood.
Nang ipinakita na ng mga kalahok ang kani-kanilang mga talento, di maiwasang mapahiyaw at mapasigaw ang lahat. Ngunit hindi lamang panlabas na anyo at nakakaaliw na talento ang batayan kung sino ang karapat-dapat na tanghaling Lakambini at Lakandula 2014, kundi ang pagsukat din sa taglay nilang katalinuhan. Nagging palaban ang bawat pares o kalahok sa pagsagot sa kani-kanilang mga katanungan.
Sa huling bahagi ng patimpalak, nagkamit ng parangal na Best in Barong si G. Romart Torregosa at Best in Filipiniana naman si Bb. Jay Lucille Pator. Best in Production Number : G. Jefferson Calotes at Bb. Jean Nelith Malbas. Best in Talent: G. Vincent Edward Cirunay at Bb. Devie Carnice. Ang nanalo sa nasabing patimpalak ay sina Lakandula 2014, Francis John Justol at Lakambini 2014, Jay Lucille Pastor.
Natapos ang kulminasyon sa buwan ng wika nang isalaysay ng Pangulo ng SAMAFIL na si Bb. Krirstie Miral ang kanyang pangwakas na mensahe. Umuwi ang lahat ng mapayapa, masaya at matiwasay baon ang mga ala-alang kailan man ay hindi malilimutan.
Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Wikang Filipino.